Resort sa Gitna ng Chocolate Hills sa Bohol, Iniimbestigahan ng DENR

,

,

0

Usap-usapin ngayon ang isang malaking isyu sa kalikasan matapos lumabas ang balita tungkol sa isang resort na itinayo sa mismong gitna at paanang bahagi ng Chocolate Hills sa Bohol. Ang naturang resort ay kilala bilang “The Captain’s Peak Garden and Resort” at naging sentro ng kontrobersya matapos itong mamataan sa isang video blog.

Ang Chocolate Hills ay isang likas na yaman ng Pilipinas na kinikilala sa buong mundo. Ito ay isang serye ng mga burol na nagbibigay ng kahanga-hangang tanawin sa lalawigan ng Bohol. Ang lugar na ito ay isang pambansang pamana at kinikilala rin ng United Nations Educational, Scientific, and Cultural Organization o UNESCO bilang isang World Heritage Site dahil sa kaniyang kahalagahan sa kalikasan at kultura.

Subalit, imbes na kasiyahan at panibagong pasyalan, ang pagtatayo ng isang resort sa gitna ng mga Chocolate Hills ay nagdulot ng malalim at labis na pag-aalala sa mga lokal na komunidad at mga tagapangalaga ng kalikasan. Ito ay pinaniniwalaang hindi lamang isang paglabag sa batas, kundi nagdulot at magdudulot din ito ng pagkasira sa likas na kalikasan at kagandahan ng lugar.

Ayon sa ulat, temporaryong ipinasara na ito ng Department of Environment and Natural Resources o DENR anim na buwan na ang nakalipas dahil sa kakulangan ng permiso. Dahil sa hindi pagsunod ng resort, napagdesisyunan ng DENR na magsagawa ng pagsisiyasat upang matukoy ang iba’t ibang paglabag na nangyari sa pagtatayo ng resort na ito.

Ang ahensya ay nagpahayag ng opisyal na salaysay patungkol sa isyu na ito.

The Chocolate Hills in Bohol, Philippines were declared a protected area on July 1, 1997 through Proclamation No. 1037 issued by then President Fidel V. Ramos…

If a land was titled prior to Proclamation 1037 declaring an area as protected area, the rights and interests of the landowner will generally be recognized and respected. However, the declaration of the area as a protected area may impose certain restriction or regulations on land use and development within the protected area, even for privately-owned lands…

In the case of the Captain’s Peak Resort, the DENR issued a Temporary Closure Order last September 6, 2023, and a Notice of Violation to the project proponent last January 22, 2024 for operating without an ECC (Environmental Compliance Certificate).

As of March 13, 2024, the Regional Executive Director Paquito D. Melicor issued a Memorandum directing PENRO Bohol Ariel Rica to create a team to conduct inspection at Captain’s Peak for its compliance with the Temporary Closure Order.”

Ayon sa mga opisyal ng kagawaran, maliwanag na hindi sinunod ng naturang resort ang mga kinakailangang pahintulot bago ito itayo at buksan sa publiko. Isa rin si Senator Nancy Binay sa mga nagpahayag ng saloobin patungkol sa resort at gayundin sa naturang aksyon ng DENR.

We understand the importance of development, but there should be boundaries…

If the DENR continues to issue ECCs in the guise of ‘tourism development’, I believe they have misunderstood what ecotourism is all about…

Nakakagalit at nakakadurog ng puso ang nakita nating mga nakatayo nang resorts sa mga paanan mismo ng Chocolate Hills.” aniya sa isang pahayag.

Dagdag pa rito, maraming mamamayan ang nagpahayag ng kanilang pagkabahala sa nangyaring isyu. Sa mga komento sa iba’t ibang social media platforms at sa sunod sunod na balita, maraming indibidwal ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa nangyaring insidente. Marami rin ang nanawagan para sa mas mahigpit na pagpapatupad ng batas upang maiwasan ang paglabag sa mga patakaran sa pangangalaga ng kalikasan.

Ang pangyayaring ito ay isang paalala sa ating lahat na ang pagmamalasakit at pagprotekta sa ating kalikasan ay responsibiliad ng bawat isa. Ang Chocolate Hills ay hindi lamang isang tanawin, ito ay bahagi ng ating pagkakakilanlan at pambansang yaman na dapat nating ipagmalaki at pangalaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Fill out this field
Fill out this field
Please enter a valid email address.
You need to agree with the terms to proceed