Pag-aayos ni Megan Young sa Buhok ni Miss Botswana, Nagdulot ng Kontrobersiya sa Miss World Pageant

,

,

0

Kamakailan lamang ay nagkaroon ng malaking kontrobersiya at diskusyon sa social media ang naganap na Miss World Pageant – 71st Edition, na ginanap sa Jio Convention Centre sa Mumbai, India. Ito ay nang magkaroon ng hindi pagkakaintindihan at maling interpretasyon sa pagitan ni Megan Young, 2013 Miss World Champion at kasalukuyang tagapangasiwa ng patimpalak, at ang kinatawan ng Botswana na si Lesego Chombo.

Sa isang ekslusibong pangyayari sa entablado, pinuna ang naging aksyon ni Megan Young nang kaniyang hawakan at ayusin ang buhok ni Miss Botswana Lesego Chombo sa gitna ng patimpalak. Sa halip na mapansin ito bilang isang simpleng gawain, ito ay nagdulot ng malawakang interpretasyon at patuloy na diskusyon ng mga Batswana sa iba’t ibang social media platforms.

Ayon sa ilang Batswana, hindi sila naging sang-ayon sa naging kilos ni Megan Young. Ipinunto nila na hindi ito “simpleng gawain” lamang, bagkus ito ay isang paglabag sa personal na espasyo at kawalan ng respeto sa kanilang kultura at tradisyon. Inihayag nila na ito sana ay maunawaan at pahalagahan ng mga taga-ibang bansa.

Gayunpaman, naglabas si Megan Young ng pampublikong pahayag kung saan ipinaabot niya ang kaniyang paghingi ng paumanhin sa nangyaring insidente. Aniya, hindi niya intensyon na makaramdam ng kahit anong uri ng pangamba o hindi kaginhawaan si Lesego Chombo.

Kasabay nito, inihayag din ni Megan Young na siya ay pribado at personal na humingi ng paumanhin kay Lesego Chombo sa kanilang pagkikita sa hotel pagkatapos ng nasabing patimpalak.

Last night during the final, I fixed Lesego Chombo’s (Miss Botswana) hair on stage. I wanted to offer a helping hand but I failed to oversee the bigger picture. This could have caused distress during that moment and I have been made aware that culturally, this is unacceptable.

We have spoken privately last night at the hotel and I have apologized to Lesego in private.

To those who witnessed the incident, I also want to apologize for any discomfort or confusion my actions may have caused. It was a thoughtless and disrespectful act, and I take full responsibility for it.

I assure you that it was not my intention to invade personal space or make anyone feel uncomfortable. I deeply regret my actions and will strive to be more mindful and respectful in the future.”  kumpletong pahayag ni Megan Young sa kaniyang Facebook page.

Kasunod nito, naglabas din ng pahayag si Lesego Chombo, ang kinatawan ng Botswana sa patimpalak, kung saan humiling siya sa publiko na maging mas maunawain sa naganap na insidente.

Patuloy pa rin ang diskusyon sa mga hakbang na dapat gawin upang maiwasan ang ganitong uri ng insidente sa hinaharap. Inaasahang maging aral ang pangyayari para sa lahat ng mga kalahok at organisasyon ng beauty pageants.

Samantala, sa kabila ng mga hindi pagkakaintindihan na naganap sa ika-71 na edisyon ng Miss World, mayroon pa rin dapat na ipagdiwang. Kirononahan si Miss World Czech Republic Krystyna Pyszvoka bilang Miss World Champion para sa taong ito. Ito ay nagsisilbing kanilang pangalawang titulo para sa patimpalak na ito.

Sa pagtatapos, ang kontrobersiyang ito ay nagdulot hindi lamang ng pag-uusap sa loob ng industriya ng beauty pageants, kundi pati na rin sa mas malawak na lipunan. Ito ay nagsisilbing isang paalala sa ating lahat na ang respeto at pag-unawa sa bawat kultura at tradisyon ay mahalaga upang mapanatili ang kapayapaan at pagkakaisa hindi lamang sa ating bansa, pati na rin sa ating mundo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Fill out this field
Fill out this field
Please enter a valid email address.
You need to agree with the terms to proceed