Let me share my extraordinary LET journey.
Before LET application for September, nagdadalawang isip ako if mag-take na ako ng board exam, kasi ayaw ko mag review center dahil expensive at wala akong time dahil may trabaho ako. Well, I’m so grateful dahil may partner ako na handa akong suportahan sa lahat ng bagay. Siya ang nagpush sakin na magexam.
Naniniwala ba kayo sa mga signs? Dahil ako, oo. Sobra.
Pinasadiyos ko lahat bago pa man ako mag-apply for September LET. Pero, nanghingi ako kay Lord ng signs para panghugutan ko ng lakas ng loob.
First sign.
-Bago lumabas ung result ng March LET 2023, nanaginip ako na pumasa kaming tatlo ng mga bestfriend ko. Natatawa ako paggising dahil kitang kita ko ung name ko pero di naman ako nagtakeπ
pero ung dalawang bestfriend ko nakapasa nga sila nung March.
Second sign.
-May open forum sa work ko, motivational day. May bisita kami at naging speaker that moment. Eto ung time na nagdadalawang isip ako kung magtetake ba o hindi. Hindi ko makakalimutan ung mga sinabi nya nung araw nayon. “Kung meron kang dalawang bagay na gustong gawin, wag mong ilet go ang isa sa kanila dahil para ka lang nagtapon ng opportunity. Kung kaya mong gawin ng sabay, subukan mo. “
Third sign. (Most unforgettable sign!)
-Alanganing araw ako nag-apply para sa application for September LET. Nasa Dau terminal nako ng 11:20am, hindi ko sigurado kung makakaabot pako sa oras ng application dahil hanggang 12pm lang. Isang sasakyan lang ung alam ko na sakayan papunta sa Robinson, pumila ko at sobrang tagal na wala pa rin dumadating na sasakyan. 11:30am, nanghingi ako ng tulong kay Lord, sabi ko sa isip ko “Lord, tulungan nyo po akong makaabot sa application . Kung para sakin po talaga tong exam na to ngayon, tulungan nyo po akong makaabot.” Mayamaya biglang may sumigaw na lalaki, “Oh Robinson, SM, aalis na!” . Muntik nakong umiyak, ang galing talaga ni Lord. Perfect timing! At nakahabol nga ako sa application that time.
Naniwala ako sa mga signs na hiningi ko dahil alam kong kasama ko si Lord sa lahat ng pinagdaanan ko at ginamit ko un para mas tatagan yung sarili ko. Para mas pagbutihin ko, hindi ko inisip ung pagod at puyat. Ang nasa isip ko lang, gusto kong maging proud ang pamilya ko sakin lalo na ang kuya ko, dahil hindi nya alam na nagtake ako ng board exam. Palihim ko lahat ginawa at naachieve ko nga yung gusto kong mangyari. Proud first taker and self-review π€π
Bunsong anak na kaisa-isang napagtapos sa kolehiyo at isang ganap na Licensed Professional Teacher! Maraming salamat po sa inyong lahat na naniwala at nagtiwala π€π
ROSALINDA PANIS SAMONG, LPT
September 2023 Licensure Exam for Teachers
Official Facebook Post: Click Here
ββββββββββββββββββββββββββββ
π Follow our page for more inspiring stories
Share you story here: m.me/boardexams.com.ph
#boardexamsph #boardpasser #successstories
Facebook Pages:
- Board Exams PH
- Board Exams Philippines
- Criminology PH
- Fire Officer Exam PH
- Penology Officer Exam PH
- Napolcom Updates PH
- Agriculture PH
- Civil Service Exam Masterclass
- Civil Service Exam Philippines
Facebook Groups
- PRC Board Exam Updates 2023
- PRC Board Exam Community 2023
- LET EXAM PRC UPDATES 2023
- LET Review 2023 Community
- Civil Service Exam 2023 Community
- Civil Service Exam Review Group 2024
- Civil Service Exam Reviewer 2024
- Civil Service Exam Reviewers 2024
- NAPOLCOM Exam 2023 Community
- Fire Officer Exam 2024 Community
- Penology Officer Exam 2024 Community
- Licensure Examination for Agriculturists 2023 Community
- Criminology Exam 2023 Community
- Criminology PH
- Board Exams PH