Andrew Schimmer, Natagpuan ang Bagong Pag-ibig Isang Taon Matapos ang Pagpanaw ng Asawa

,

,

0

Nitong nakaraang Sabado lamang, ibinahagi ni John Andrew Schimmer sa kaniyang Facebook account ang kaniyang mga naranasang lungkot at pangungulila sa pagpanaw ng kaniyang asawa. Kasabay nito ay ang kaniya namang pagbabahagi ng kasalukuyang kagalakan sa buhay na hatid ng kaniyang kasalukuyang kasintahan.

Sa pagkawala ng dating asawa na si Jorhomy (Jho) Rovero, nagkaroon ng malaking pagbabago sa buhay ni Andrew Schimmer. Matatandaang noong 2022, si Jho Rovero ay pumanaw matapos ang isang taon na paghihirap sa coma. Ayon sa mga ulat, si Jho ay naapektuhan ng malubhang atake ng hika na nagdulot sa kaniya ng cardiac arrest at brain hypoxia o ang kondisyon kung saan ang utak ay hindi nakakatanggap ng sapat na oxygen.

Ang pagpanaw ni Jho Rovero noong Disyembre 2022 ay nagdulot ng matinding kalungkutan hindi lamang sa kaniyang mga anak, asawa, at kaibigan, kundi maging sa maraming tagahanga ng mag-asawa dahil na rin nasubaybayan na ng marami ang sakripisyo at labis na pagmamahal ni Andrew sa kaniyang asawa sa pamamagitan ng walang humpay na pag-aalaga dito.

Matatandaang isa si Andrew Schimmer sa kilalang aktor sa Pilipinas. Bukod pa rito’y mas nakilala pa silang mag-asawa ng mga tao dahil madalas silang mag-post ng mga larawan at bidyo kasama ang isa’t isa sa kanilang mga social media accounts. Ang kanilang mga kuwento at labis na pagmamahalan maski sa gitna ng kahirapan ng mga pagsubok ay hindi maitatangging naging inspirasyon sa marami.

Kamakailan lamang din, bilang isang simbolo ng kaniyang walang hanggang pag-ibig para sa kaniyang yumaong asawa, ipinatattoo ni Andrew ang portrait ng kaniyang asawa na labis namang ikinatuwa ng kaniyang mga anak.

At sa gitna ng kalungkutan, hindi nagtagal ay muling nagkaroon ng liwanag sa buhay ni Andrew Schimmer sa pamamagitan ng pagdating ng kaniyang bagong kasintahan na si Dimps.

Umani at nagdulot man ito ng iba’t ibang komento, maganda man o hindi, hindi ito naging dahilan upang itago ni Andrew Schimmer ang ngayo’y nagpapatibok ng kaniyang puso.

Taken stolen shots of you is now my new hobby in life. I love you that much, and I will never change anything about you. For me you are already PERFECT.

I was amazed on how people can sacrifice for this kind of love. I always knew back then that someday somewhere, somehow this kind of love will find me.

But life has so many surprises. So many unfortunate events and things that we cannot control or understand…

Losing one loved on after another will make your heart numb and hopeless. I was in total chaos, and total darkness.

Until this tiny ray of light shine upon my face, and gave me a new light. Gave me a second chance. A chance to be loved, and to be appreciated.

And right at that moment I knew, God has sent me His angel, to show me something that I never knew before. You fixed my broken heart, and slowly put me back together.

You made me realize that there is so much more from life.” aniya ni Andrew Schimmer sa kaniyang Facebook post.

Sa kabila ng pagkawala ni Jho, natagpuan ni Andrew ang isang bagong pag-asa sa pag-ibig na hatid ni Dimps.

Sa paglipas ng panahon, patuloy na titimbang sa puso ni Andrew Schimmer ang mga alaala ni Jho. Ngunit sa paglapit ng bawat bagong araw, hawak niya ang pangako ng pag-asa at pagmamahal na dala ng kaniyang bagong pag-ibig, patunay na ang buhay ay patuloy pa rin sa kabila ng pagsubok.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Fill out this field
Fill out this field
Please enter a valid email address.
You need to agree with the terms to proceed