Cristy Fermin, Sinampahan ng Kaso ng Magulang ni Sarah Lahbati

,

,

0

Kinakaharap ngayon ng sikat na talk show host na si Cristy Fermin pati na rin ng kaniyang dalawang kasamahan na sina Wendell Alvarez at Romel Chika ang mga kasong isinampa ng mga magulang ni Sarah Lahbati na sina Esther at Abdel Lahbati.

Mismong si Cristy Fermin ang nag-anunsyo na sila ay kasalukuyang humaharap laban sa kasong isinampa ng mga magulang ni Sarah Lahbati.

Kami na po ang kukumpirma. Kami pong tatlo [nina Wendell Alvarez at Romel Chika] ang kinasuhan ng cyber libel at hindi na po kami magdedetalye kasi ang mga abogado po namin ang nakakaalam ng mga detalyeng ito,” aniya ni Cristy Fermin.

Si Cristy Fermin ay kilala bilang isang tagapangasiwa ng kaniyang talk show sa Pilipinas na pinamagatang “Showbiz Now Na”. Ang programang ito ay kadalasang tumututok sa mga personalidad sa larangan ng showbiz. Isa mga pinakabago at tinutukan niyang paksa ay ang kontrobersiyal na paghihiwalay ng dating mag-asawa na sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez.

Si Fermin ay kilala rin sa kaniyang mga pahayag at naka-publikong opinyon tungkol sa mga kilalang personalidad, na kadalasan ay may hindi magandang dating para sa nakararami.

Ayon kay Fermin, ang mga isinampang kaso laban sa kanila ay kinabibilangan ng cyberlibel, harrassment o panggigipit, defamation o paninira ng reputasyon ng isang tao, at unjust vexation o pagpapahayag ng hindi makatarungang pananalita patungkol sa isang indibidwal na labis na nakaaapekto sa isang tao.

Sa kabilang banda, si Sarah Lahbati naman ay isang kilalang Filipino-Moroccan na aktres at modelo. Siya ay kilala sa kaniyang mga proyektong pang-telebisyon at pelikula. Kamakailan lamang ay kumalat ang balita ng kanilang paghihiwalay ng dating asawa at kapwa aktor na si Richard Gutierrez dahil sa usaping pinasikat nina Cristy Fermin sa iba’t ibang social media platforms.

Kaagad na naging tampok sa mga usapin sa showbiz at social media ang hiwalayang ito. Matatandaan kasing buwan ang itinagal ng mag-asawa bago opisyal na inanunsyo ang sitwasyon ng kanilang relasyon. Dahil dito, maraming haka-haka ang inilabas ng mga tao at kapwa nila personalidad sa iba’t ibang social media platforms, kasama na rin si Cristy Fermin.

Kabilang si Fermin sa mga naglabas ng mga impormasyon patungkol kay Sarah Lahbati at sa mga magulang nito. Kabilang na rito ang kaniyang pahayag patungkol sa umano’y bagong kasintahan ni Sarah Lahbati na siyang tinutukoy na isa sa mga dahilan ng hiwalayan ng dating mag-asawa.

Dahil sa mga paratang na ito, nagdesisyon ang ina ni Sarah Lahbati na si Esther Lahbati na ituloy ang kaso laban kina Fermin, Alvarez, at Chika. Kamakailan lamang nang mag-post ng larawan si Esther Lahbati sa harap ng Department of Justice (DOJ), na naging isang patungkol sa mga sinabi ni Cristy Fermin, kung saan binanggit niyang sinasakdal sila.

Samantala, patuloy ang mga reaksiyon mula sa mga tagasuporta at maging sa mga kritiko ni Cristy Fermin. May ilan na naniniwala sa kaniyang karapatan sa malayang pamamahayag, ngunit mas nakararami naman ang iba na kritikal sa kaniyang mga salita at pag-uugali sa programa.

Ang isyu na ito ay naging sentro ng pansin sa social media, kung saan naglalabas ang mga netizens ng kanilang mga opinyon at reaksyon ukol dito.

Sa ngayon, patuloy ang pag-unlad ng istoryang ito, kaya’t abangan ang mga susunod na kaganapan mula sa mga sangkot na partido.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Fill out this field
Fill out this field
Please enter a valid email address.
You need to agree with the terms to proceed